Weblog

Monday, 14 April 2008

  • Summer Anime Convention

    Tiketbuopa April 5, 2008. ngayon ung convention sa mega. Ozine Fest '08. 10am ung event pero 5am gising na ako sa excitment. sa sofa lang ako natulog nun kaya hinilot ko muna ang nananakit kong katawan bago tumayo. tapos nun nagalmusal ako na minsan sa isang eklips ko lang ginagawa(12noon kasi ang gising ko talaga.) tapos tumulala ako ng mga 10 mins pa. mayamaya naligo na rin ako at nagbihis, nka dalawang palit ako ng tishirt ksi sobrang init kahit madaling araw palang. mayamaya pa nagtext na sakin si rey na sasama sa convention. "2loy ba tau?", "Uu. Bkt? Nkaready n q..Hehe Pro mya2 p q alis...Aga p e...Txt kta pg paalis n q...O_o", "Ocge.. Aq ktatapus lng ligo,sglet lng nmn byahe eh"...inikot ko pa ng mga sampunt beses ung bahay namin bago ako tuluyang umalis. sa MRT ang usapan namin ni rey at nauna akong dumating. marami na akong nasalubong na lolita, rakista, at senior citizen na parang pupunta rin ng anime convention bago pa sya nagtext na nasaMRT n din daw sya. nauna pa pala sakin. hinanap ko sya sa may booth ng globe(sabi nya andun sya), na nakapwesto sa kabila pang station.joke!... ayun nagkita na kami after 10 years at ready to go na. ortigas ung station na bababaan namin P12 mula sa taft at may libre pang problema. hindi kasi tinangap nung machine ung card ni rey kaya lumipat pa sya sa mas mahabang pila. Habang nakasakay sa MRT, naghuhulaan kami ni rey kung pangilang station ung ortigas. akala namin lumampas na kami kasi nawala bigla ung babaeng mukhang magcocosplay ang damit, pero hindi pa pala. pagdating ng ortigas, lumabas na kami, amdaming taong bumaba dun kaya may mini stampede muna sa exit. tapos tinahak na namin ung SM mega kahit alam naming sarado pa. mga 9am andun na kami sa SM mega. nagkkwentuhan kami ni rey habang naglalakad hanggang sa matanto namin na nasa ibang dimensyion na kami. sinusundan lang namin ung mga taong kasabay namin sa MRT, mga empleyado pala ng malaking building sa likod ng SM. tae. pagkatapos naming marealize na we're not one of them, himiwalay kami ng pasimple. pumunta na kami sa dapat puntahan at binawsan ang kadaldalan. narating na naming ung harap ng SM. may isang grupo ng cosplayer na nakaabang na sa pinto. may balak yatang masama sa first 100 early bird na kasali sa raffle ng Nintendo DS lite. actually yun din und pakay namin ni rey kaya maaga pa kay Rabit andun na kami. at saka ung sa Art contest na 50 lang ang makakasali.

    Pila_1  Tumogtog ang theme song ng Lucky Me! at nagsimulang sumayaw si Makisig at ang mga kalaro nya. sa wakas binuksan na din ang SM mega. may mini stampede uli pero mas maliit kaysa kanina. para bang mauubusan sila ng hangin sa labas ng SM na ikamamatay nila. pero kasali kami sa stampede na yon. hehe. desidido sa Nintendo DS. alam na! pinuntahan agad namin ang Mega Trade Hall sa fifth floor kung saan idaraos(nalunod ako.) ang convention. hinati sa dalawa ang pila papasok sa Mega Trade Hall. ung isa sa wala pang tiket na may sampung libo na ang nakapila, parang pila ng NFA rice, at isa para sa meron nang tiket na may 50 palang ang nakapila. mabilis kaming naka pasok ng SM kaya palaisipan samin kung saan naggaling ung mga nkapila na. may tiket na ako(excited) pero si rey wala pa. dun kami pimula sa wala pang tiket para magkasama na kami. mayamaya pa, umilaw na ang bumbilya sa ulo ko at nagkaroon ng bright idea. naisip ko na baka may tiket na binebetna sa YOSHINOYA na nasa first floor ng mega. iniwan ko muna si rey sa pila para sa isang delikadong misyon. joke. bumaba ako ng mega para magbakasakali. pagpasok ko na yoshinoya, wala masyadong tao. hindi pa ako nagsaalita pero alam na nung babae na tiket ang pakay ko dun. ayos. nakabili na ako ng tiket at pipila na kami sa mas maiksing pila. tinext ko na si rey para lumipat na sa kabilang pila habang tumatalon talon ako na parang ninja. pagdating ko ng fifth floor wala na si rey sa dating pila na ngayong ay nasa dalawampung libo na. sa kabilang pila mahabahaba na rin. hindi na kami aabot sa 100 early bird. sinundan ko ung pila habang hinahanap si rey. papunta na sa hagdan ng fire exit ung pila, pababa, umabot sa 4th floor, 3rd floor, 2nd floor, at sa wakas nakita ko na si rey. tae. sana hindi na ako umakyat.

    Finalist_joke Tinubuan na ako ng balbas at sa wakas umusad na ang pila. ayos din kasi mas mabilis at mas naunang pinapasok ung mga may tiket na. mabilis lang kaming nakapasok. bago punitin ung tiket ko, pinicturan ko muna. wala lang trip lang. tapos pinicturan ko uli nung pinut na. may bago silang pakulo, ung parang bracelet ng ride all you can sa star city. kulay neon na yellow ung samin ni rey. walang ano ano nang maka pasok kami ni rey, hinanap na namin agad ung booth ng registration para sa art contest. Ayos. pang 15 palang ako at 16 si rey. sinulat ko ung pangalan, edad(17 ang nilagay ko pero 20 na ako sa aug.), phone no., at location. at binigyan kami ng illustration board. ok na kami ni rey. may illustration board na kami. pede na kaming umuwi...joke. 6pm ung due date ng art contest at 11am palang kaya naglibot muna kami ni rey. umupo muna kami sa table ng yugioh carg game. dun pumwesto ung mga kasali sa art contest ung isa may dalang color pencil, crayola at poster paint. handang handa na sa giyera. naalibadbaran si rey kaya tumayo na kami. may nakita kami ni rey na naka seigaku na babae, cute sya pero palaisipan samin kung sino siya sa prine of tennis. gusto sana magpa picture ni rey kaso nahihiya sya. mayamaya pa may tumawag sa'kin "kuya mon!!" hindi ko nakita agad. kinailangan ko pang yumuko. joke lang. nakita ko ung maliit babaeng naka brown na damit at sumbrero(terno?), pamangkin ni Michelle, si Kamil. "uy! nasan si michelle?" yun agad ang nasabi ko. nang makita ko si michelle, "uy, ba't nandito ka sa loob?" un ung nasabi ko sakanya. hindi ko alam kung bakit. mabilis ang mga pangyayari. ang sabi nya kasi pupunta siya pero hindi siya papasok. wala lang. pinapila kami ni kamil sa namimigay ng installer ng lineage. pumila kami kahit wala akong balak na iinstall yun sa PC namin, may kasamang pang poster at maasim na smile ni ate. taops pumila kami sa kabila. mas maraming CD at complete set ung installer, may mini games din na irarambol ni kuya yung mga itlog na may letters("kamael") at ibabalik mo sa dati. dalawang letters lang yung tama ko, at ang price, dalawang trading cards. saya! hiningi pa ni kamil ung isa. pero ayos lang kasi gusto ko nga sanang ipang-shuriken ung card pero sayang. remembrance nalang. Nanood muna kami ng bread eating contest yata yun bago kami magkawalaan. yun yung paunahang makaubos ng tinapay ng French Baker, ung matigas. gutom na kami ni rey nun pero imbes na matakam at mainggit ka sa mga contestant eh madidiri ka habang nginunguya nila ung tinapay nang naka nganga. kawawa ung isang contestant na bata kasi parang naghihingalo na. tapos yakult lang yung panulak nila. Ayos din naman yung price kapag nabuhay ka pa.

    ReyPagkatapos nun nawala na sina michelle. lumabas muna kami ni rey para kumain. mahaba ang pila mcdonalds kaya sa take out kami pumila. wais 'to! wala ring maupuan kaya sa food court nalang kami kumain. nasalubong pa namin si seigaku girl. natatawa kami pag nakikita sya. inorder ko ung value meal na may burger, drinks at fries. dun kami pumwesto ni rey sa harap ng jollibee sa food court kahit mcdo ung dala namin. tapos nanghingi kami ng ketchup dun din sa jollibee. hindi rin kami manipis! pagkatapos kumain sinimulan na namin magdrawing. si gaara ang dinrowing ko(si harui dapat kaso kamuka ni meili ung naddrawing ko) at si sasuke ang dinrowing ni rey. totoo...peksman! may pruwebang picture pa. mga alas-2 natapos na kami. hindi na namin kinulayan kasi tinatamad si rey at wala rin akong tiwala sa dala kong pangkulay(yung pangbatang color set). pagbalik namin ni rey sa convention, halos tapos na din ung ibang kasali. ginawa nang drawingang ung table para sa yugioh card game kasi dun kami naupo kanina. umikot pa kami ng isa sa boung hall at nasalubong namin sina michelle, kasama na nila si ariane na walang hilig dati sa anime. nagCR si ariane ng mga kalahating buwan kaya nagpasa muna kami ng dnrawing namin ni rey. pabalik, nasalubong uli namin si seigaku girl at nagngitian. andun na si ariane pagbalik namin. Pinkpayb nagpicture picture sa mga cosplayer pero konti lang. may mga nagcos ng magic knight, power ranger, Pink 5(dalawa sila, ung iasa cute ung isa bumbayin), cell, bleach, deathnote, juaquin burdado, at American Idol. hindi ko natagalan ung group cosplay competition. pero may isa akong nagustuhan. iniwan ko muna si rey na enjoy na enjoy sa panonood, naglibot muna ako at naghanap ng mauupuan. nadaanan ko ung tindahan ng mamahaling hotdog. P80 ang isa. may ganoon din noong HERO con at nag balak na rin akong bumili. hanggang pag babalak lang. muka kasing masarap pero kung iisipin, katumbas na yun ng tatlong jumbo hotdog sa 7-11 at may sukli pa. wala na talaga akong mahanap na mauupuan kaya sa mesa na ako umupo kahit hindi magandang tignan. suko na ang paa ko at gutom na gutom na ako, mga 7pm na nun. pagkatapos ng group cosplay innounce ung nanalo sa art contest. hindi na kami nakinig ni rey(hopeless na) pero nakita ko ung nanalong obra. sya yung handa na sa giyera kanina. next time alam na! mga 9pm na natapos ung 1st day ng event, meron pa bukas pero hindi na kami babalik. pauwi na kami kasabay sina michelle hindi na rin namin nasalibong ang mahiwagang seigaku girl. pag dating sa first floor nagCR na lahat ng magsiCR. kami lang ni rey natira. nung lumabas na si michelle sa CR nagpaalam na kami na mauuna na. pero bumalik muna kami ni rey sa napakataas na fifth floor para kunin yung drawing namin. remembrance. hindi na talaga namin nasalubong si seigaku girl at nagpasya na kaming umuwi. bumili muna kami ng ice cream P10 lang. hapunan na. huling kain na namin ung sa mcdo kanina. Pag labas ng SM hindi na namin alam kung saan pupunta. pero may pinuntahan si rey kaya sinundan ko nalang siya. pati yung harang na semento na tinalon nya tinalon ko rin. kaso hindi ko masyadong abot kaya medyo nasaktan ako sa ginawa ko. papunta pala kami sa MRT. alas-10 na at gising na ang mga aswang na aatend ng convention at sasali sa maagang raffle, wala paring nadaang MRT. hindi na rin kami nagugutom dahil nalipasan na kami. naka uwi na sina rukia, pink 5, kenshin, lucy, marina, animoni, kurapika at si seigaku girl. nagkwentuhan muna kami at napagusapan ang mga maaaring mangyari sa taong tatawid sa riles ng MRT bago pa makarating ang last trip... ay second to the last trip pala ng MRT.

  • Busy Ako, Ayokong Lumabas

    Third year. Itong taon na 'to yung may pinaka maraming gala(ung mga trip, happy-happy, party, out of town, out of country at out of the planet) naming magkaka klase na kasama ako. para bang nagrerebelde na sa dami.

    Enyt_125 Masaya yung event pagkatapos ng Engg. Night. kila Michelle ung venue. dun yata ung may mga kalabaw na nagpaparty sa daan. Masaya si B-anne kasi may videoke at meron syang pamasahe, wala rin syang labahan. Saya.

    Nag over night swimming din kami. hindi ko tanda ung lugar pero alam ko malayo yun sa amin. mga bandang pluto na. over night talaga kasi gabi na namin narating ung location. ayos din, solo namin ung lugar, may videoke, airconditioned na kwarto na kasya si tom and jerry, malulunod ka sa pool at ikamamatay mo yung slide. ang pinaka gusto ko yun play ground. ayos din. masaya pero nakakanerbyos. natulog ako nun at paggising ko paalis na kami, un tipong nagaabang na ng sasakyan kaya hindi na ako nakapaghanda. kung ano ako nung natutulog, ganun ako uuwi.

    Star Pumunta rin kami ng star city. ito ung favorite na galaan. pero ako, hindi masyado. luge kasi ako sa ride all you can dahil takot ako sa rides. ang kaya ko lang sakyan ung bump car saka ice park at extreme na sakin ung magic carpet at wild river. Nung nagpunta pa naman kami noon, wala na ung ice park. ginawa na nilang snow world, parang ganon din pero marami nang slide at may snow din na parang usok lang. ngayon lahat na ng bawal gawin sa ice park pwede na sa snow world. pwede nang mag picture, magslide, magtakbuhan, maghukay ng yelo, maglibing ng pusa, maghubad at gumawa ng halohalo. ewan ko lang pero lahat yon nagawa namin kahit merong safety precautions na salungat sa mga nasabi ko. ang bad news, kailangan pa ng additional na P100, unlimited na yon at pwede kang magpabalikbalik. konti lang ang tao nun ng magpunta kami. konti lang rin ang rides na bukas. magandang pagkakataon para magshooting si Susan Enriquez ng "Kay Susan Tayo". pero totoo. nagshooting sila doon sa snow world at nameet na namin sya in person. wala masyadong starsruck ksi mas mararamdaman mo yung sobrang ginaw. ang senaryo, magiislide si Susan sa pinaka mahabang slide doon. inabot sya ng syam-syam bago nya napansin na mahaba na ang pila sa likod nya. ung mga klasmeyt kong manipis ang muka, pabalikbalik sa slide. may camera kasi at kinukuhaan ung mga nagiislide. exposure. andami naming kuha noon. meron din kaming kuha kasama si susan enriquez at ung snow man na mascot. halos kalahati ng oras namin sa star city andon kami. masaya naman kasi wala si B-anne. joke lang!!

    Japanjapan_1 Nung birth day ni jowel, 18th birthday. debut. ok din. masaya. overnight. ang ending, lasing ang kalahati sa'min at naglalasinglasingan ang kalahati pa. pinuntahan din namin nun si michelle sa ospital kinabukasan dahil sa dengue. masaya naman sya. At nagsama sama kaming mga wala pang ligo.

    TaalThe best din yung trip namin sa tagaytay. dalawang araw kami doon at libre ang tinuluyan namin. Kim Shiong Community. Blowout ni Ser Uy sa mga pumasa ng Midterms. ayos yung lugar. may pool, basketball court, tennis court, badminton, soccer(ung arcade lang), billiards, playground, security guard, mga mongha, templo ni Budah, aso at pusa. mababaliw ka sa dami ng facilities at mangingimay sa dami ng pwedeng gawin. merong ding kusina at pwede kang magluto doon. pwede kang magtambling, magsugal, at magdab ng anime. ang saya. nung huling gabi naginuman sila. ako hanggang pulutan lang. bago kami umuwi kinabukasan sumilip muna kami sa taal. required yun. nagpictorial, at uminom ng mamahaling kape.

    Iceskate  Nung last day ng secong sem. mahal na araw. starcity ang balak. dumaan muna kami kila Pet para magvideoke at kumain ng sinigang na hipon(si Manster umubos) at cake(ang sarap ng cake na 'yon) kasi sarado pa ang star city. pagkatapos maghappy-happy, pumunta na kaming star city. ayus! sarado ang star city(mahal na araw), at tumambay muna kami sa CCP. "Ice skating tayo sa MOA" biro ko. ok sa kanila. P300 ang unlimited at P200 yung 2hrs. kasama na yung sapatos pero kailangang may medyas, 3pairs for P100 ung medyas(sa department store), P60 yung locker na hindi mo mahahawakan kahit minsan. kumain muna kami para makapag-isip-isip hanggang matagpuan nalang namin ang sarili sa ice skating rink. saya! umuwi kaming duguan dahil lahat kami may tagigisang sugat.

    Yun lang naman ang mga naaccomplish naming magkaka-klase(marami pa, hindi ko lang matandaan ung iba at hindi ako kasama sa iba). Sobrang dami kasi ng mga Assignments, Projects at Quiz. wala na kaming time mag-enjoy.

    Enight20074 Kim_shiong1

  • Hot Pandesal for Sale

    Acetone_cover_vol1_1

      Madaling araw palang gising na ako(Parang proud na proud ako kapag sinasabi ko 'yon). Kinabukasan gaganapin ang Komikon 2007, at registered kami para magbenta ng indie(para sa hindi nakaka alam,"individual") comics at tiangge. Registered din kami nung sa komikon last year pero hindi kami umabot dahil ginawa namin ung komiks namin sa mismong araw ng event, at natapos kami, tapos na din yung event. Nasa Imus kami at sa UP diliman ang event. Sa palengke ang bagsak ng komiks namin. Ganun kami kagaling sa time management. Ayoko nang maulit 'yon. Kaya gagawa kami ngayon, isang araw bago ang event. Galing!

         Comics Compilation ang balak namin, limang stories ng limang artist(Ako, si Ed, si Neil, si Sam at si Amjie) at dalawang issues na agad ang balak naming ibebenta. One week bago ang event, tapos ko na yung sa akin, "Soul Haven". Yung isa, isa lang ang balak gawin at ipapa-LBC pa ang gawa nya dahil taga-malayong lugar pa siya. Yung iba naman, isa palang ang nagagawa, nakalapis pa. Hopeless na? Hindi pa. Nabago ang plano. Isang issue nalang.

         Balik sa dating oras(madaling araw, kinabukasan ang event). Tapos na lahat, pero hindi dumadating ang inaasahang "hari ng padala". Sa Yahoo!mail nalang daw, mas ok dahil hindi na namin iiiscan. May pasok ako noon kaya kailangan kong gumising ng maaga para ma-ihatid ko ung gawa kong nakasave na sa memory card kay Ed(Producer, Financer at Moral supporter. nagtatabaho sa computer shop na gawaan lang talaga ng invitation sa kasal, binyag, debut at iba pang okasyon, meron ding gift tag, calling cards, Rush ID picture, Powder Xerox, gumagawa din ng projects at hindi sila tumatanggap ng nagpapapeke ng kung ano-anong anik-anik. located somewhere in Imus market) para ayusin na sa Publisher ang mga gawa namin at ma-i-print na rin. Pagdating ko sa tagpuan(BHCC) sarado pa. nagtext siya at sinabing nasa bahay pa siya at papunta na, pero late na talaga ako kaya hindi ko na siya naantay. Dadaan nalang ulit ako pag uwi ko. Pwedeng ihabol nalang na i-edit ang gawa ko.

        Uwian na namin. Diretso na ako sa Computer Shop kung saan nagtatarabaho si Ed. Hindi na ako umuwi para magpalit. Doon na namin sa shop balak tapusin ang paimportante naming komiks. Pero halos closing na noon. Ang isa pang masaklap, hindi pa nya nasimulang ma-edit at ma-layout ang komiks dahil marami syang costomer at si Sam palang ang nakagpasa talaga. Tatlong komiks, Isang yari na talaga(may tone at dialog na) at dalawang ni hindi pa na-ii-scan. Hopeless na? Medyo. Sa bahay namin binalak na tapusing ang komiks. May scaner kami pero walang publisher. Sa Word okay na yun. Walang ink ang printer. hindi rin pala pwede. Sarado na ang shop nila kaya nag-rent kami sa ibang computer shop na mahabahaba ang serbisyo. Idadownload na namin yung gawa ni Amjie pero bigo kami. Si Neil hindi nagrereply sa text namin. hating gabi, sararado na ang mga tindahan at bukas na ang mga tindahang walang lisensya. Hopeless na? Malapit na. Sabi ko "bakit ba nangyayari sa'tin 'to?" (nagdrama? pero hindi ko talaga sinabi 'yon). "Ayos lang yan, Kaya yan" sabi ni Ed. "Hindi eh." inisa-isa ko sa kanya ang sitwasyon namin. wala talaga kaming matatapos na komiks at bukas na ang event. Nandoon din kami nakatambay sa mismong lugar kung saan namin pinroblema dati yung komiks namin last year(2006). kinutuban ako ng masama. alam na! madilim, sarado na ang mga tindahan sa palengke at malapit na din akong malobat. naupo lang kami sa may gutter sa harap ng computer shop na ngayon ay sarado na. nakatingin sa langit. wala lang. parang nagpapahinga nalang kami sa dami ng nangyari pero wala kaming nagawa.

         Tinigil ni Ed ang katahimikan. may naisip syang Bright Idea na ikinagulat ng pusang dumaan sa harap ko. Tinext nya yung may ari ng shop kung pwede kaming gumamit ng computer sa shop. Walang reply. "Ano na? Suko na?". hindi lang ako sumasagot. "Nakakahiya din sa komikon kasi hindi nanaman natin sila sisiputin"..."Oo nga eh"..."Lord, sign po"(kung itutuloy ba o susuko na?). Hopeless na? Oo.

         Nag-ring ang phone ni Ed. Ito na yung sign na hinihingi nya. "Sige kunin nyo dito(sa bahay) ung susi". Eto na. Hopeless na? Hindi na ulet. "Saan ba yung bahay nila?"

         Tinawid namin ang Aguinaldo Highway, Pumasok sa eskinita, naglakad sa dilim at umiwas sa asong ulol. Hindi maituro ng guard kung san kami pupunta, nakapag tanong narin kami sa mga rugby boy at pusa. Sinwerte naman kami at may nasalubong kaming maghahatid sa'min sa Survivor Africa. kapatid nung may-ari ng shop na kakilla din ni Ed. Ganun pala sya kaclose sa may-ari kaya ipinahiram yung susi. Tinuro nya kami sa "Tamang Daan". kapagka sineswerte ka nga naman. umambon pa. Narating rin namin yung bahay. Kamukang kamuka nung aleng nasalubong namin yung may-ari, parang pinagbiyak na susi(bunga pala. atat lang sa susi). nahiram namin yung susi sa shop at may kasama pang payong at bati ng "magandang umaga!". oo umaga na. mga 1:00 na yata ng madaling araw o masyado lang akong nagpapa-awa. wala pa kaming hapunan kaya dumaan muna kami sa lugawan. nagkalaman na ang aking tiyan at nagkapaltos ang dila. Fight na!

        Naalala ko, may pinasa na pala sa'kin si Harlene na komiks nya na natapos nya bago paman din ako magsimula. apat na ang komiks. yung isa pa, kukunin nalang namin dun sa komiks namin last year. okay lang 'yon dahil mga taga Imus lang ang nakabasa na noon. Ayos! kompleto na. Nasimulan din ang pasaway na komiks. Mayamaya pa, habang gumagawa, bumukas ang pinto ng shop kung saan kami gumagawa. alas-2 ng madaling araw, sa gitna ng saradong palengke, tahimik ang lahat at may biglang nagbubukas ng pinto. Halos huminto ang puso namin sa takot, si Neil pala. Para bang "Here comes a new challenger" yun dating nya. kung pano nya nalaman na naandoon pa kami nang ganoong oras, hindi ko din alam. Ayos na! kaso hindi nya dala yung gawa nya. Tumulong nalang si sya sa toning at paglalagay ng dialog. kami ni Ed, pahinga muna. Umuwi rin agad si neil nung mga alas-3 yata(inantok na). Kami ni Ed tulog na dilat(may ganun ba?). Magpprint nalang kami ng original copy at cover, pasikat na rin ang haring araw. Mamaya nang alas-10 ung event. Ibebenta namin yung komiks, mainit-init pa. Parang hot pandesal.

        Natapos na namin yung unang parte. Magpapa-photo copy pa kami sa isa pang ka-close ni Ed na may ari naman ng Xerox Machine at magpapackaging(sana tama yung spelling ko) mamaya. Wala pa kaming tulog. Dumaan muna kami sa 7-11 para magkape bago umuwi. Dito ko lalong naappreciate ang mga 24hour stores. Alas-7 kami uli magkikita para tapusin na ang dapat tapusin. Umuwi ako nang bahay, nagpalit(patay, hindi pwedeng maligo), nagtoothbrush(yun nalang) at doon palang ako nagpaalam na umaga na ako makakauwi. Steeg! saglit lang ako sa bahay. Umalis din ako agad makalipas ang ilang patalastas. 7am nandoon na ako. 7:30 dumatin si Ed pero sabi nya kanina pa sya naandon. Pinuntahan na namin yung kakilala nyang may ari ng Photocopy. May sumpong yung machine pero nakisama rin agad. tumulong na din ung may ari ng Xerox sa packaging, Ayos na. Tapos na ang "ACEtone Comics", 25 copies lang kasi gahol na sa oras. Kaso late din kami. Alas-9 na kami natapos at sa mga RPG games lang sa pagkakaalam ko may teleport. Alas-10 yung event(sa mga nakalimot). Tumuloy parin kami. Si Neil, himalang nagreply na susunod nalang siya.

        First time mo bang pumunta ng UP diliman? Ako, Oo. At first time din naming sumakay ng jeep at bumaba kung saan kami sumakay.

         Nagdadalawang isip pa si Ed na bumaba ng bus kahit sinabi na ng kundoktor ng bus na "UP diliman na". Sumakay agad kami ng jeep pagkababa ng bus. Kunwari alam namin ang sinasakyan namin dahil sa nakasulat na karatula. Alam ko kung saan sa UP ung venue(UP Bahay ng Alumni) dahil nadownload ko ung mapa ng UP sa komikon website. Basta galing ka sa oblation, madali nalang sundan ung mapa. Pagdating ng oblation, pakiramdam ko dapat na kaming bumaba pero hindi humihinto ang jeep. Hindi naman bawal pumara, hindi ko lang feel. Nagantay nalang kami ng "loading ang unloading area". Pero sabi ni Ed, "wag, dun pa yata yun eh.", Oo lang ako kasi mas matanda siya, pero ako, may mapa. Inikot namin yung buong UP. Nadaanan uli namin yung oblation(kinawayan kami), at bumaba kami sa pamilyar na lugar. Kailangan lang naming tumawid at Bwala! nandon na kami sa binabaan namin ng jeep. Parang wala lang. Kunwari walang nangyari. sakay uli kami ng Bus. Dumaan uli sa oblation hindi uli pumara. Buti may pumara na malapit lang sa Oblation kaya hindi na namin kailangang pumara. Para bang kabawasan sa pagkatao namin ang pagpara. Dumaan nanaman kami ng Oblation. Kung gumagalaw lang 'yon siguro nabatukan na kami.

         Ayon sa aking mapa, dapat kaming kumaliwa sa kanan ng oblation, at kumanan sa pangalawang kanto. Sa wakas, narating na rin namin ang sabsaban. Compirmado, doon na nga ang nawawalang venue ng event. May malaking poster ng komikon sa labas at mga taong lamaspasok na may dalang pamaypay. Bumili agad kami ng tiket at pumasok. May namimigay ng pamaypay na may naka sulat na "I'm a comic Fan". nakuha ko agad yung logic don. Saya! Ang daming tao. Mapa-bata o matanda, may ngipin o wala. Hinanap namin yung table namin(Table na nakalaan sa mga registered na magbenta ng komiks at tiangge). Puno na yung mga mesa, nakita namin yung piraso ng papel na may nakasulat na "ACE(Artist Club Extreme)"(pangalang ng group namin) pero may tao na. Naagawan kami. Nagreport agad kami sa pulisya at nagpablater. joke lang. Tinanong naming yung isang babae na halatang dapat syang pagtanungan, kunwari hindi pa namin alam "san po yung pwesto ng Indie Tiangge? Participant kami" sabi ni Ed. Akala namin sasamahan nya kami, makikita nya na may nang a-agaw ng pwesto at sisigaw ng "DARNA!", kaso hindi. "Dun oh. diretso lang kayo, tas sa may left side ng stage.". Ah ok. Wala na kaming nagawa. Maglalatag nalang sana kami ng banig, parang illegal vendor. Pero hindi. Nagtanong kunwari si Ed sa isang grupo na nagbebenta:

    Ed: "Magkano to?"

    Lalake: "P30 lang po"(kahit may nakalagay na price)

    Ed: "Ah. kasi nagbebenta rin kami eh kaso late kami nakarating, tapos may pumwesto na sa pwesto namin(na nasa likuran lang) ito yung sa'min oh"

    Lalake: "..."

    Ed: "Pwedeng palagay kami sa table nyo? tatlong kopya lang muna"

    Lalake: "Sige. Okay lang"

         Naawa lang ako sa lalake sa unang sinabi ni Ed. Para nyang sinabing:

    Ed: "Ui! Nanalo ka ng Jockpot sa Lotto kahit hindi ka tumataya!"

    Lalake: "Wow! talaga!?"

    Ed: "Ay, Hindi pala"

    Lalake: "..."

        Mabait naman yung mga tumulong sa'min. Binabaryahan nila yung pera namin kapag walang panukli, nakikipagkwentuhan at inalok nila kami ng chocolates, may bayad nga lang(tinda pala nila). Nakabenta rin naman kami. Ang sarap pala ng feeling kapag may bumubili ng pinaghirapan mo. Wala akong tubo o mapapalang material sa pagbebenta ng paimportanteng komiks dahil si Ed lang ang gumagastos, pero yung pakiramdam iba. Naeebs pala ako. joke lang. 25 copies. mula sa P50 per copy naging galante si Ed at ginawang P40 per copy nalang. Murang mura! 10% ng kabuuang kita ang mapupunta sa komikon, Ibig sabihin, nakabenta kami ng 9 na comics na P40 ang isa, kaya P360 lahat at P36 ang mapupunta sa komikon. Ayos lang naman sa kanila, akala ko:

    Komikon: "tertisiks pesos? saya!"

    ---

    Komikon: "tertisiks pesos? sayo nalang, baka hindi ka makauwi. kumain ka na ba?"

    ---

    Komikon: "tertisiks pesos? ay nahulog. naku nawala sa sobrang liit."

        Konti lang kasi ang dala namin. Masabi lang na naka-attend kami. Wala naman palang namumugot ng mga hindi sumisipot na nagparehistro. Maaga rin kaming umuwi. Tao lang kami.

    Sarap matulog.

  • Hi everyone! I'm just getting started on Xanga... Drop me a comment if you've got some ideas on what to do first - or just to say, "Hi!" :-)

mon_kun16

  • Visit mon_kun16's Xanga Site
    • Name: mon_kun16
    • Gender: Male
    • Member Since: 4/14/2008

Weblog Archives

Don't worry - your calendar is here… to see it in action just click "Save" above and refresh the page.