Monday, 14 April 2008

  • Busy Ako, Ayokong Lumabas

    Third year. Itong taon na 'to yung may pinaka maraming gala(ung mga trip, happy-happy, party, out of town, out of country at out of the planet) naming magkaka klase na kasama ako. para bang nagrerebelde na sa dami.

    Enyt_125 Masaya yung event pagkatapos ng Engg. Night. kila Michelle ung venue. dun yata ung may mga kalabaw na nagpaparty sa daan. Masaya si B-anne kasi may videoke at meron syang pamasahe, wala rin syang labahan. Saya.

    Nag over night swimming din kami. hindi ko tanda ung lugar pero alam ko malayo yun sa amin. mga bandang pluto na. over night talaga kasi gabi na namin narating ung location. ayos din, solo namin ung lugar, may videoke, airconditioned na kwarto na kasya si tom and jerry, malulunod ka sa pool at ikamamatay mo yung slide. ang pinaka gusto ko yun play ground. ayos din. masaya pero nakakanerbyos. natulog ako nun at paggising ko paalis na kami, un tipong nagaabang na ng sasakyan kaya hindi na ako nakapaghanda. kung ano ako nung natutulog, ganun ako uuwi.

    Star Pumunta rin kami ng star city. ito ung favorite na galaan. pero ako, hindi masyado. luge kasi ako sa ride all you can dahil takot ako sa rides. ang kaya ko lang sakyan ung bump car saka ice park at extreme na sakin ung magic carpet at wild river. Nung nagpunta pa naman kami noon, wala na ung ice park. ginawa na nilang snow world, parang ganon din pero marami nang slide at may snow din na parang usok lang. ngayon lahat na ng bawal gawin sa ice park pwede na sa snow world. pwede nang mag picture, magslide, magtakbuhan, maghukay ng yelo, maglibing ng pusa, maghubad at gumawa ng halohalo. ewan ko lang pero lahat yon nagawa namin kahit merong safety precautions na salungat sa mga nasabi ko. ang bad news, kailangan pa ng additional na P100, unlimited na yon at pwede kang magpabalikbalik. konti lang ang tao nun ng magpunta kami. konti lang rin ang rides na bukas. magandang pagkakataon para magshooting si Susan Enriquez ng "Kay Susan Tayo". pero totoo. nagshooting sila doon sa snow world at nameet na namin sya in person. wala masyadong starsruck ksi mas mararamdaman mo yung sobrang ginaw. ang senaryo, magiislide si Susan sa pinaka mahabang slide doon. inabot sya ng syam-syam bago nya napansin na mahaba na ang pila sa likod nya. ung mga klasmeyt kong manipis ang muka, pabalikbalik sa slide. may camera kasi at kinukuhaan ung mga nagiislide. exposure. andami naming kuha noon. meron din kaming kuha kasama si susan enriquez at ung snow man na mascot. halos kalahati ng oras namin sa star city andon kami. masaya naman kasi wala si B-anne. joke lang!!

    Japanjapan_1 Nung birth day ni jowel, 18th birthday. debut. ok din. masaya. overnight. ang ending, lasing ang kalahati sa'min at naglalasinglasingan ang kalahati pa. pinuntahan din namin nun si michelle sa ospital kinabukasan dahil sa dengue. masaya naman sya. At nagsama sama kaming mga wala pang ligo.

    TaalThe best din yung trip namin sa tagaytay. dalawang araw kami doon at libre ang tinuluyan namin. Kim Shiong Community. Blowout ni Ser Uy sa mga pumasa ng Midterms. ayos yung lugar. may pool, basketball court, tennis court, badminton, soccer(ung arcade lang), billiards, playground, security guard, mga mongha, templo ni Budah, aso at pusa. mababaliw ka sa dami ng facilities at mangingimay sa dami ng pwedeng gawin. merong ding kusina at pwede kang magluto doon. pwede kang magtambling, magsugal, at magdab ng anime. ang saya. nung huling gabi naginuman sila. ako hanggang pulutan lang. bago kami umuwi kinabukasan sumilip muna kami sa taal. required yun. nagpictorial, at uminom ng mamahaling kape.

    Iceskate  Nung last day ng secong sem. mahal na araw. starcity ang balak. dumaan muna kami kila Pet para magvideoke at kumain ng sinigang na hipon(si Manster umubos) at cake(ang sarap ng cake na 'yon) kasi sarado pa ang star city. pagkatapos maghappy-happy, pumunta na kaming star city. ayus! sarado ang star city(mahal na araw), at tumambay muna kami sa CCP. "Ice skating tayo sa MOA" biro ko. ok sa kanila. P300 ang unlimited at P200 yung 2hrs. kasama na yung sapatos pero kailangang may medyas, 3pairs for P100 ung medyas(sa department store), P60 yung locker na hindi mo mahahawakan kahit minsan. kumain muna kami para makapag-isip-isip hanggang matagpuan nalang namin ang sarili sa ice skating rink. saya! umuwi kaming duguan dahil lahat kami may tagigisang sugat.

    Yun lang naman ang mga naaccomplish naming magkaka-klase(marami pa, hindi ko lang matandaan ung iba at hindi ako kasama sa iba). Sobrang dami kasi ng mga Assignments, Projects at Quiz. wala na kaming time mag-enjoy.

    Enight20074 Kim_shiong1

  • Choose Identity

  • Give eProps (?)

  • New! You can now edit your comments for 15 minutes after submitting.

About this Entry

Who recommended?